Pag-usbong mo’y aking nasaksihan. Sa paghubog sa’yo ako’y nasiyahan. Pinag-iisipan pa lamang, abot na ang ngiti sa buwan .
Sabi nila, ‘wag sa malayo ang tingin, at baka sa lupa ka na lang pupulutin lahat ay pinanumbaling pipi’t bingi sa mga pasaring.
Batid mo ang aking mga luha. Pati na rin ang aking halakhak kakaibang saya ‘di maipinta mangmang pa sa reyalidad.
Nikatiting sa kawalan. Kahit sa anuman sikap suntok pa rin sa buwan. Dusa’y mayroong katapusan ngunit ang tanong ay hanggang kailan?
Sa aking pinakamamahal na Pang, ang iyong kislap ay kay dali lamang kasiyahayang dala sana’y mas naging madalang.
Kung ang susunod na buhay ay totoo man, Ika’y babalikan at hahagkan Ipaglalaban at ‘di na susuko sa laban ng buhay, ito’y pangako.